Nagbigay ng tulong ang Taguig City government sa 223 pamilya na naapektuhan ng sunog noong Miyerkules, Mayo 31.

Sa ulat ng Taguig City Fire Station, dakong 2:04 p.m., tinamaan ng apoy ang isang residential area sa Road 6, Manggahan Site sa Barangay North Daang Hari.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito naapula dakong 5:51 p.m., o makalipas ang halos apat na oras.

Sinabi ng Taguig City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na ang mga apektadong pamilya ay sinilungan sa isang covered court sa North Daang Hari at binigyan ng mga pagkain, at sleeping at hygiene kits.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Binigyan ng Taguig City Health Office ang mga residente ng medikal na tulong, gamot, at anti-tetanus injection. Binigyan din ng tulong pinansyal ang mga pamilya.

“Sa panahon kung saan nagrerecover pa rin ang lahat sa pandemya, napakahirap nitong pinagdadaanan nila,” said Mayor Lani Cayetano.

“Palakasin ang loob natin. Huwag kang panghinaan ng loob,” dagdag niya.

Jonathan Hicap