Isang pakete na naglalaman ng isang kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ang natagpuang abandonado sa gilid ng kalsada ng isang pribadong subdibisyon sa Antipolo City nitong Huwebes ng gabi.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-7:15 ng gabi nang madiskubre ang naturang pakete sa Crestview Lane, Crestview Subdivision, Brgy San Roque, Antipolo City, Rizal.

Napadaan umano roon ang isang concerned citizen at namataan ang pakete na nakabalot sa isang cling wrapper, kaya’t kaagad itong inireport sa mga awtoridad.

Mabilis namang rumesponde si PCpl Geraldo Baccay, kasama ang mga barangay tanod sa lugar, at nang busisiin ang pakete ay nadiskubreng marijuana bricks ang lamang nito, na tumitimbang ng may isang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P120,000.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang may-ari ng pakete at kung sino ang nag-abandona nito sa naturang lugar.