Tila maganda ang pasok ng buwan ng Hunyo para sa isang taga-Cavite na solong napanalunan ang ₱58 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 1.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Hunyo 2, nabili ang winning ticket sa Molino, Bacoor, Cavite. 

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE CONGRATULATIONS! ATION SUPER 0749 JACKPOT WINNER Thursday, June 1, 2023 14 22 27 40 45 41 WINNING COMBINATION Php58, 238.20 JACKPOT PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in WINONE 18+ Molino, Bacoor, Cavite *Prizes subject 20% pursuant winnings should claimed within fror date pcsoofficialsocialmedia TRAIN Law. otherwise the same would /PCSO GOV forfeited form part the Charity Fund. www.pcso.gov.ph'

Matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 14-22-27-40-45-41 na may kaakibat na ₱58, 995, 238.20.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna nang pinaalalahanan ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang mga mananalo sa kanilang lotto games ay magtungo lamang sa PCSO main office sa Mandaluyong City kung nais na nilang makubra ang kanilang napanalunang premyo.

Kailangan din aniya ng mga ito na magprisinta ng dalawang balidong ID at ang kanilang winning ticket.Paalala rin ni Robles, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lahat ng lotto winnings na mahigit sa ₱10,000 ay papatawan ng 20-percent final tax.

Ang mga premyo naman aniya na hindi makukubra matapos ang isang taon ay mapo-forfeit at otomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo