Maging ang dating Dabarkads host at tinaguriang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga-Soriano ay nagpakita ng suporta sa TVJ at noontime show na "Eat Bulaga," matapos ang kontrobersyal na pagkalas ng tatlo sa TAPE, Incorporated kahapon ng Miyerkules, Mayo 31, 2023.

Sa live telecast sana ihahayag nina dating Senate President Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon ang kanilang pamamaalam sa production company ng Eat Bulaga, subalit hindi raw sila pinayagang magsagawa ng live. Kaya naman, naganap ang pamamaalam sa YouTube channel ng EB, at ipinost naman ang kanilang opisyal na pahayag sa opisyal na Facebook page nito.

MAKI-BALITA: ‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

Sa kaniyang Instagram story ay ibinahagi ni Toni ang litrato niya kasama ang tatlong haligi ng naturang noontime show, at nilagyan ito ng text caption na "Noontime Kings, forever @eatbulaga1979."

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Joey De Leon, Tito Sotto, Toni Gonzaga, at Vic Sotto (Screengrab mula sa IG ni Toni Gonzaga)

Matatandaang matapos makilala sa isang softdrinks commercial kasama si Piolo Pascual, sumabak sa hosting si Toni Gonzaga sa Eat Bulaga, bago siya lumipat sa ABS-CBN.

Noong 2022, muling nakatuntong sa EB studio si Toni matapos mag-promote ng pelikula nila ni Joey De Leon na "My Teacher," isa sa mga opisyal na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival noong nagdaang Pasko.