“Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo.”

Naglabas na ng pahayag ang TAPE, Inc., nitong Huwebes, Hunyo 1, hinggil sa naging pagkalas nina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) dito.

Sa pamamagitan ng isang press statement na inilabas sa Instagram story ni Seth Jalosjos, ang Director for Finance ng TAPE Inc., ipinahayag ng pamilya Jalosjos na nalulungkot sila sa nangyari nitong Miyerkules, Mayo 31, kung saan inanunsyo ng TVJ sa pamamagitan ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” ang kanilang pagkalas sa TAPE, Inc. 

MAKI-BALITA: ‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

National

PBBM, itinangging nagbitiw na si DND chief Teodoro: 'Imbento 'yan ng mga desperado!'

Gayunpaman, nirerespeto raw nila ang naging desisyon ng hosts na lisanin ang Eat Bulaga at GMA Network na naging tahanan daw nila sa loob ng 28 na taon.

“We are grateful to the men and women who worked tirelessly for the past 43 years to make our noontime show number 1. The success of Eat Bulaga is not dependent only on three (3) people but on the collaborative efforts of its talents, crew and loyal viewers,” anang TAPE, Inc.

“We are happy for the full support of GMA 7 in making Eat Bulaga bigger, to bring more fun and excitement to every Filipino,” dagdag nito.

Sinisiguro rin umano ng TAPE, Inc. na “committed” sila sa pagbibigay ng “quality entertainment” sa publiko at supporters ng programa.

“It is unfortunate but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino,” anang TAPE, Inc.

"Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO’T ISANG TUWA na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.

Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo,” saad pa nito.

Nakapirma rin sa naturang press statement ang Pangulo at CEO ng Tape Inc. na si Romeo Jalosjos Jr.