"Eat bulaga will forever be a part of me."

Ito ang naging mensahe ng dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez matapos ang kontrobersyal na pagkalas ng mga OG host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE, Incorporated kahapon ng Miyerkules, Mayo 31, 2023.

"Eat bulaga will forever be a part of me. This is where I met my husband and had my 2 kids," saad ni Ruby sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Hunyo 1. 

"All dabarkads will forever be in my heart. I love eat bulaga i love bulaga family," dagdag pa niya. 

National

Isabela, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol; M4.0 naman sa Surigao del Sur

screenshot mula sa IG post ni Ruby Rodriguez

Taong 1991 nagsimula ang stint ni Ruby sa Eat Bulaga nang palitan niya si Helen Vela.

Gayunman noong Setyembre 2020 sa kasagsagan ng pandemya, nawala si Ruby sa longest-running noontime show. 

Kasalukuyan naman siyang naninirahan sa California, USA. 

Samantala, may mensahe rin ang former host kay Pauleen Luna.

"My bff @pauleenlunasotto I miss you soso much. You are one of the best reason why no matter what i love Eat Bulaga. If not for this show i would have never met you. Live you and miss you much," saad niya sa hiwalay ng IG post. 

screenshot mula sa IG post ni Ruby Rodriguez