“There’s more to it than meets the eye.”
Ito ang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagbibitiw ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Bagama't hindi miyembro ng partido ng Lakas-CMD matapos niyang manatili sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ipinahayag ng dating Pangulo ang kaniyang dalawang sentimo sa kung ano ang nasa likod ng desisyon ng kaniyang anak para umalis sa partido kung saan siya nanalo bilang bise presidente.
“From the looks of it, parang hindi nagustuhan ni Sara, ni Inday, ‘yung ginawa nila kay [former] President Arroyo,” ani PRRD sa isang panayam kasama si Pastor Apollo Quiboloy sa SMNI news channel.
“But for her to take the extreme step of resigning, mukhang malalim ang (dahilan) niya. There’s more to it than meets the eye ika nga. Parang ganun,” dagdag niya.
Noong nakaraang buwan, nagbitiw si VP Duterte sa kaniyang posisyon bilang chairperson at miyembro ng Lakas-CMD.
MAKI-BALITA: VP Sara, nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD
Si House Speaker Martin Romualdez ang presidente ng partido at si dating pangulo at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo ang chairman emeritus nito.
Nanatili namang tahimik si VP Duterte tungkol sa kaniyang mga dahilan ng pag-alis sa partido sa kabila ng pananatili ni Arroyo bilang chairman-emeritus.
Matatandaang tumayo si Arroyo bilang isa sa mga arkitekto ng UniTeam ticket, kung saan marami ang naniniwalang ang kaniyang impluwensya ang nagkumbinsi umano kay VP Duterte na tumakbo bilang bise presidente at ipaubaya sa kaniyang kapatid ang karera ng pagiging alkalde ng Davao.
Sinabi ni PRRD na ang kaniyang anak na babae ay hindi kailanman talagang naging “close” kay Arroyo, ngunit ang kanilang oras na magkasama sa panahon ng kampanya ay maaari umanong nakapukaw kay VP Duterte upang manindigan para kay Arroyo.
“Hindi naman ‘yan sila close actually. Pero nung nagsama sila, she won under that banner (Lakas-CMD), mukhang she might have felt also an obligation as a party member to just come out openly,” saad ni PRRD.
Raymund Antonio