Namahagi ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga personal hygiene products para sa mga elderly patients ng National Center for Mental Health (NCMH) kamakailan.

Sinabi ng PRC nitong Huwebes na mismong sina PRC Secretary General Dr. Gwen Pang at PRC Board of Governors Vice Chairperson Corazon Alma De Leon ang nanguna sa distribusyon ng may 150 hygiene kits para sa elderly inpatients ng Female Aged Care and Wellness Unit ng NCMH noong Mayo 30.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Anang PRC, ang mga ipinamahaging kit ay naglalaman ng mga bar soap, soap dish, hand towel, shampoo, toothbrush, at toothpaste.

Ipinaliwanag ni Dr. Pang, na isang nurse by profession, na ang kumbinasyon ng internal factors, gaya ng impairment at disabilities, at external factors, kabilang ang physical environment, inequalities, diskriminasyon, at stigma ang lumilikha ng hadlang para sa mga indibidwal na magkaroon ng efficient access sa hygienic practices.

“The PRC acknowledges that individuals with specific needs face the detrimental effects of social stigma, which leads to lesser or even no participation and engagement on their part. Through our hygiene promotion and provision of hygiene kits, we hope they feel loved and not forgotten," dagdag pa niya.

Nabatid na si PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon ang nagpasimula ng naturang mga programa sa NCMH, na ang layunin ay magampanan ang commitment ng PRC na tiyaking ang bawat indibidwal ay may access sa basic human needs.

"The PRC develops initiatives to accommodate individuals with specific needs because they are important to us. We ensure their involvement in every phase and recognize that they are still part of our society. Never forgotten and always to be treated with dignity," ayon kay Gordon.

Ayon naman kay Dr. Cristina Palma, isa sa mga medical officers na namamahala sa naturang unit, ang probisyon ng hygiene kits ay mahalaga sa pagtulong sa mga pasyente na mapanatili ang kalinisan ng kanilang mga sarili.

Dagdag pa niya, malaking tulong sa kanila ang ipinagkaloob na mga kits ng PRC dahil may mga pagkakataong naaantala ang pagdating ng kanilang mga hygiene items o di kaya ay hindi sapat ang mga ito para sa lahat ng kanilang pasyente.