Nasa moderate na ang 7-day positivity rate ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR) matapos na bumaba pa ito sa 19.9% hanggang nitong Mayo 30, 2023.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David nitong Huwebes, nabatid na ang naturang porsiyento ay pagbaba ng 4.5 puntos mula sa dating 24.4% na positivity rate na naitala sa rehiyon noong Mayo 23, na itinuturing na high risk pa.

“NCR 7-day testing positivity rate decreased to 19.9% (moderate) as of May 30 2023. On May 23, it was at 24.4% (high),” tweet pa ni David.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, iniulat rin naman ni David na bahagya ring bumaba ang bilang ng mga okupadong Covid-19 hospital beds sa nasabing panahon at nananatili pa rin itong nasa low risk.

“COVID-19 hospital beds occupied decreased slightly over the same period, and remaining at low occupancy,” ani David.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga pasyenteng nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.