Kumalas na rin sa TAPE, Inc. nitong Miyerkules, Mayo 31, ang co-hosts ng Eat Bulaga matapos ianunsyo nina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon (TVJ) ang kanilang naging pag-alis dito.

Sa isang Instagram story ni Paulene Luna nitong Huwebes, Hunyo 1, ibinahagi niya ang isang resignation letter para sa Pangulo at CEO ng Tape Inc. na si Romeo Jalosjos Jr. na may petsang Mayo 31, 2023.

“Dear Mr. Jalosjos, 

Dahil po sa mga nangyari, kami po ay magpapaalam na rin sa TAPE, Inc. simula ngayong araw, Mayo 31, 2023,” nakasaad sa nasabing resignation letter.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Courtesy: Paulene Luna/Instagram

Doon ay nakalagda ang co-hosts ng Eat Bulaga na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, at Allan K.

"All the hosts, writers, sales, production and cameraman followed suit immediately after TVJ's resignation,” saad pa ni Paulene sa naturang Instagram story.

Matatandaang inanunsyo ng TVJ nitong Miyerkules ng tanghali, sa pamamagitan ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” ang kanilang pagkalas sa producer nitong TAPE, Inc.

MAKI-BALITA: ‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

Nito ring Huwebes, naglabas na rin ng pahayag ang TAPE, Inc., hinggil sa naging pagkalas ng TVJ.

MAKI-BALITA: TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ