Umaabot sa 27,842 indibidwal ang napagkalooban ng Philippine Red Cross (PRC) ng libreng medical assistance sa buong bansa, mula Enero hanggang Mayo, 2023, sa ilalim ng kanilang Health Caravan Program.

Bilang bahagi ito ng pagsusumikap ng PRC na magpaabot ng healthcare services sa mga pinaka- vulnerable na sektor at komunidad na nangangailangan.

Ayon sa PRC, ang Health Caravan program ay kinabibilangan ng health consultation, dental at optometry service, health at hygiene promotion, first aid lecture-demonstration, pagbabakuna laban sa tigdas, rubella, polio, at Covid-19, at maging bloodletting at blood typing service.

Sa ilalim ng naturang programa, namamahagi rin umano ang PRC ng mga bitamina, mga over the counter medicines, hot meals at health kits.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"The Philippine Red Cross is dedicated to making a positive impact on the health and well-being of our communities. Our Health Caravan demonstrates our commitment to providing vital medical services to those who need it most,” ayon naman kay PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon.

"We are proud to have reached over 27,000 individuals through our Health Caravan in just the first five months of this year. The provision of essential healthcare services and the distribution of meals and health kits showcases our commitment to improving the lives of the most vulnerable in our society,” dagdag naman ni PRC Secretary General Dr. Gwendolyn T. Pang.