Usap-usapan ngayon ang Instagram post ni Maquie Raquiza Sarmiento, dating road manager o RM ni Kapamilya star Liza Soberano, nang masilayan ng LizQuen fans ang isa sa mga litrato kung saan makikitang magkasama in one frame sina Liza at Enrique Gil.

"Hanggang Sa Muli Pilipinas," caption ni Maguie sa kaniyang IG post.

Makikita sa ikaanim na litrato na kasama niya at ng iba sina Enrique at Liza. Si Enrique, nakaitim na shirt at may suot pang itim na sumbrero with eye glasses din. Si Liza, nakaputing shirt naman, may salamin din sa mata, at naka-peace sign sa dalawang kamay.

Ngunit hindi naman binanggit ni Maquie kung recent lang ba o matagal nang nakuhanan ang naturang litrato, na ikinatuwa pa rin ng LizQuen fans, lalo't nagdurugo pa ang puso nila sa kumakalat na tsikang hiwalay na raw ang dalawa.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Thanks for sharing maam, love ❤️ lizquen so much"

"Our happy pill in one frame❤️ #LizQuen. Thank you Maqui. Safe travel for all of you😍"

"thank you po mrs. sarmiento sa pag share ng picture with quen ang hopie,. have a safe trip po,. LIZQUEN forever❤️"

"Thank you Maquie for sharing your photos! Please continue to be a genuine friend to Liza especially when she’s here in the US. Have a safe trip home to NJ!"

"Safe trip Maquie and family🙏❤️ Grateful and appreciation for sharing picture of Quen and Hopie together!🥰🥰🥰🥰🥰

Samantala, umani naman ng reaksiyon sa LizQuen fans ang ispluk ng dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz na nabalitaan naman niya sa kaniyang source na tila hiwalay na nga ang dalawa.

Sa kabila nito, hangad ni Ogie na hindi ito totoo at maayos pa nila kung mayroon mang problema ngayon sa kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: ‘Wala raw respeto?’ Ogie Diaz kinukuwestyon bakit inispluk break-up nina Liza, Enrique

Sa ngayon ay naghiwalay na muna ng landas ang LizQuen bilang love team dahil habang nasa Amerika si Liza at umaasam na mas makilala pa sa Hollywood, nasa Pilipinas naman si Quen at pumirma pa nga ng exclusive contract sa ABS-CBN kamakailan.