Tinatayang 30.36% o 2,239 sa 7,376 examinees ang pumasa sa Certified Public Accountant (CPA) Licensure Exams, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Mayo 31.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Alexander Salvador Centino Bandiola Jr. mula sa University of the Cordilleras bilang mga topnotcher matapos siyang makakuha ng 89.50% score.

Samantala, hinirang na top performing school ang University of the Philippines-Diliman matapos umano itong makakuha ng 93.22% overall passing rating.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Mayo 21 hanggang Mayo 23 sa mga testing center sa NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists