Tatlong centenarian sa Ifugao ang tumanggap ng tig-₱100,000 one-time cash gift mula sa gobyerno, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Binigyan din sila ng certificate at Letter of Felicitation mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa kanilang mahabang buhay.

Ang naturang cash gift ay ipinagkaloob ng gobyerno sa pamamagitan ng DSWD-Cordillera Administrative Region (CAR).

Isinapubliko rin ng DWSD ang pagkakakilanlan ng tatlo na sina Alejo Padchin, taga-Banaue, Mimie Laguiwey at William Balangui, kapwa taga-Tinoc, Ifugao.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa ilalim ng Republic Act 10868 o Centenarian Act of 2016, pinagkakalooban ng cash gift ang mga Pinoy na umaabot sa 100 taong gulang bilang dagdag benepisyo at pribilehiyo.