Pinagtataasan ng kilay ngayon ang showbiz news insider at dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz kung bakit ibinunyag niyang hiwalay na raw ang dating alaga kay Kapamilya star Enrique Gil, na mapapanood sa kaniyang showbiz-oriented vlog na "Showbiz Update."

“Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka wala na sila, dahil nga una, hindi niya pinagmamalaki ‘yung boyfriend niya. Kasi kung ano magpo-post ‘yan si Liza. Tapos nung birthday din ni Enrique, wala ring greeting online,” anang Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog.

Sunod namang naurirat si Ogie kung sino sa dalawa ang tumapos sa relasyon.

“Hindi ko alam kung pareho nila gusto ‘yun, pero ang nakarating sa atin ay choice ni Liza na tutukan muna ang kaniyang career programming,” aniya.

National

OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

Pagpapatuloy ni Ogie: “Ang nakarating sa’tin, si Enrique ‘yung nagpu-push pa na baka kaya pa, na posible pang ituloy. Pwede naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza na tuparin ang kaniyang Hollywood dream, pero sila pa rin.”

Lalo pang naging kataka-taka umano ang setup ng dalawa nang maiulat kamakailan ang pagdating sa Plipinas ni Liza kung saan wala umanong kaalam-alam si Enrique.

Sa huli, hiling ng talent mananger na “sana hindi totoo” aniya ang sariling claim ng kaniyang hindi pinangalanang source.

“Sana kung meron mang gap or meron mang ‘di pagkakaunawaan” ay maayos pa umano ng dalawa.

“Kung totoo man na wala na sila Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa isang relasyon nag-end up kayo as still friends. Kung hindi man friends, civil with each other,” dagdag pa ni Ogie.

MAKI-BALITA: ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

Sa Twitter ay inatake ng netizens si Ogie. Anila, wala raw karapatan si Ogie na siya ang magsabing break na ang dalawa.

Narito ang ilan sa tweets:

"Who gave Ogie Diaz the right to speak up about this matter? It's a basic act of human respect to exercise restraint from talking about sensitive matters in other people's lives. Unless it's fun to have that much of attention. Grow up, kid."

"Whether its true or not, it's not Ogie Diaz's position to reveal Liza and Enrique's relationship status. This is really disrespectful??"

"And I cheered 😌 let the girl free from her groomer (and hopefully from Ogie Diaz too)."

"True or not, wala karapatan si Ogie Diaz mag-reveal dapat si Enrique lang or Liza."

Subalit may ilan din namang nagtanggol kay Ogie.

"Yung issue sa LizQuen na hiwalay na eh DI PA DAW CONFIRMED sbi ni Ogie Diaz tapos pinag-aawayan ng LIza at Enrique fans? SABI NGA DI BA DI PA CONFIRMED! Kaya SABI NI OGIE 'WAG NAMAN SANA!'"

"Ewan ko, ha! Parang mas credible si Ogie Diaz kesa sa tatay ni Liza. Honest naman si Ogie. Normally, kung di n'ya naman alam ang isang balita sinasabi n'ya."

"This has been the way showbiz was. And Ogie Diaz was already there before us. Lahat ng showbiz chismis mai-expose. So why call him out??? OA sa pagka-sensitive. Liza and all the Artistas do not have a 360 private lives. Pinili nila 'yan.. so..

"Ogie Diaz has a YouTube Channel about showbiz news. He just shared his intel about the status of LizQuen. It’s part of his job. It has been the case since the advent of showbiz Tabloid so why some netizens are calling it out? Trip lang mag-cancel?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng LizQuen o maging ni Ogie tungkol dito.