"Gagawin ng magulang ang lahat para sa kaniyang anak."

Iyan ang panimulang pahayag ni Dioscoro A. Rey Jr., isang tatay, sa kaniyang Facebook post kung saan nagbebenta siya ng mga sariling gawang brownies na may iba't ibang flavor, para sa mga gastusin sa ospital ng kanilang premature baby ng misis na si Jemima T. Rey na nasa recovery stage pa ng kaniyang panganganak.

"Gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang anak. Marami ng tusok ng karayom at hirap na dinanas ang aming baby, pero alam namin na lumalaban siya kaya mas lalo kaming lalaban for her!" palabang sabi ni Dioscoro para sa kanilang little angel na si Baby Olivia Psalm.

Ayon pa sa Facebook post, ang mapagbebentahan ng brownies ay gagamiting pambayad sa kanilang hospital at medical expenses.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Larawan mula sa FB ni Dioscoro Rey, Jr

"Sabik na po kaming makasama siya at maalagaan kaya kami po uli ay nangungulit sa inyo para matulungan kami sa kaniyang hospital bill at medical expenses. 20 days na siya ngayon sa ospital pero maganda po ang nagiging lagay n'ya. Konti na lang at malapit na siyang makauwi."

"Sa ngayon po ay malapit ng umabot sa ₱300k ang bill n'ya (di pa kasama ang bayad sa doktor) at unti-unti na rin po kaming nagbibigay ng partial payment habang naglalakad lumapit sa iba't ibang govt agencies na pwedeng makatulong."

"Maraming salamat po sa walang sawang panalangin at pagtulong! Ang Diyos ay mabuti sa lahat ng panahon!"

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Dioscoro, ibinahagi niya ng mas detalyado kung ano ang pinagdaraanan ni Baby Olivia Pasalm, gayundin ng kaniyang misis.

"Premature po, born @33 weeks due to my wife's condition(severe hypertension). Kelangan po ma-incubator at malagyan ng oxygen si baby dahil preterm, nagkaroon din po ng diagnosis na Neonatal Sepsis/infection po, currently 20 days na sa ospital, still taking antibiotics but she's getting better everyday."

Kaya naman apela niya sa publiko, "We are humbly knocking on your kind hearts to help our little fighter. Any assistance or support is deeply appreciated by us. Buy our brownies and save our tiny but mighty preemie! Thank you everyone and God bless!"

Sa mga nais bumili ng brownies kina Dioscoro para sa kanilang baby, o magpahatid ng tulong-pinansiyal sa kanilang hospital at medical expenses o bills, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa kaniyang Facebook account.

Get well soon, Baby Olivia Psalm at Ma'am Jemima!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!