Maraming humahanga at the same time nanghihinayang na wala na ang karakter ni RK Bagatsing sa inaabangang action-drama series gabi-gabi na "FPJ's Batang Quiapo" matapos makasagupa si Tanggol (Coco Martin) at saktan ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang lola na ginagampanan ng dating ABS-CBN President na si Ma'am Charo Santos-Concio.

Trending ang naturang eksena at nakapagtala rin ng mahigit 300k concurrent views sa Kapamilya Online Live, na mas mataas pa sa "FPJ's Ang Probinsyano" noon.

Sana raw hindi pa pinatay ang karakter ni RK sa serye dahil mahusay siyang kontrabida, na unang pinanggigilan sa patok din na revenge-themed series na "Wildflower" noong 2017 na pinagbidahan ng dating Kapamilya star na si Maja Salvador.

Nagpasalamat ang Dreamscape Entertainment sa maikli ngunit markadong pagganap ni RK sa serye, na mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"Maraming salamat, Mr. RK Bagatsing sa napakahusay at di-matatawarang pagganap sa FPJ's Batang Quiapo. PAALAM, GREG," ayon sa caption.

Biro pa ng mga netizen at avid BQ viewers, kaya raw tinegi na si RK dahil sinaktan niya sa eksena si Ma'am Charo.

"Kung di mo sinaktan si Mam Charo, eh di sana buhay pa character mo!"

"Sinampal ba naman si Ma'am Charo ehh nag last day tuloy ahahaha. What a great character portrayal! Will always be a fan of RK!"

"Sinampal niya si Lola Tindeng. Nagalit si Tanggol kaya ayun tinuluyan niya 😢. A good job from RK Bagatsing as Greg."

"Bat mo naman kasi sinampal si Ma'am Charo Greg? Tapos talaga character mo dyan hahahaha."

Hindi nagtagal ang karakter ni RK sa BQ dahil magiging abala na umano siya sa next project, at mukhang makakatambal niya ang real-life girlfriend na si Jane Oineza.