CEBU CITY – Nasabat ang mga kahon ng pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P700,000 sa buy-bust operation sa Danao City, northern Cebu noong Martes, Mayo 30.

Nakuha ang mga pekeng sigarilyo sa bahay ng 59-anyos na si Fernando Beduya sa Barangay Looc pasado alas-7 ng gabi.

Si Beduya ay inaresto ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 7 matapos itong mahuli na nagbebenta umano ng mga pekeng sigarilyo.

Nasa paligid ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue at Philip Morris Fortune Tobacco Co.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Nasamsam sa operasyon ang iba't ibang tatak ng sigarilyo na tinatayang nasa P700,000 ang halaga.

Kasong paglabag sa Republic Act (RA) 8293 o Intellectual Property Code at RA 10643 o ang Graphic Health Warnings Law ang isasampa laban sa suspek, sabi ng pulisya.

Calvin Cordova