Mayroon nang health super hero ang lungsod ng Maynila, sa katauhan ni "Kapitan Ligtas."

Nabatid na si Kapitan Ligtas ang siyang nangungunang tagapagpakalat ng mga tama at mahahalagang impormasyon ng Manila Health Department (MHD) tungkol sa serbisyong  pangkalusugan, gayundin sa lahat ng libreng serbisyo na ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa kanyang mga residente. 

Kamakailan lamang ay dumalaw si 'Kapitan Ligtas' sa 'Capital Report' ni Mayor Honey Lacuna at ibinahagi ang pinakahuling hakbang na ginawa ng MHD para matiyak ang kalusugan ng mga residente.

Suot ang kanyang pulang kapa na nakataklob sa puting pang-ilalim na shirt at pulang maskara, sinabi ni Kapitan Ligtas na ang kanyang trabaho ay magbigay ng kailangang impormasyon kaugnay ng mga umiiral na sakit na banta sa kalusugan ng mga residente at kung paano iiwasan ang mga ito. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod dito, nagbibigay rin siya ny impormasyon at update sa mga serbisyong medikal na makukuha ng mga residente ng libre at walang bayad. 

Sa nasabing capital report, sinabi niya kay Lacuna na may tatlong health centers na ang malapit ng maging  ‘super health centers’ dahil nagsimula na ang konstruksyon nito.

Kabilang sa mga naturang health centers ay ang sa Pedro Gil, Lanuza at San Sebastian. 

Samantala ang Tayabas, Aurora at Mendoza Health Centers naman ay dinemolished upang bigyang daan ang pagbabago nito. 

Maliban sa infrastructure program ng MHD, sinabi ni Kapitan Ligtas na ang departamento ay magpapalakas din ng kanilang manpower services habang sa kasalukuyan ay mayroong mga doktor at nurses na available 44 health centers ng lungsod at sapat naman ang mga tauhan dito, ang hiring ny doktors at nurses ay nagpapatuloy.

Sa pagtatanong ni Lacuna, nabatid na mayroong tatlong karagdagang serbisyong medikal sa mga health centers maliban sa consultation, vaccination, checkup at pre-natal.

Ito ay ang clinical laboratory testing para fasting blood sugar (FBS), complete blood count (CBC), urinalysis at iba pa, electrocardiogram o  ECG at ultrasound para sa mga buntis. 

Kaugnay nito, nanawagan si Lacuna sa lahat ng Manilenyo na gamitin ang health centers na nakakalat sa anim na distrito ng Maynila para sa libreng basic health services.

Nangako naman si Kapitan Ligtas na ipagpapatuloy ang pag-iikot sa lungsod upang magbigay ng mga impormasyon sa iba't-ibang uri ng sakit na banta sa pamayanan at kung paano ito maiiwasan at kung ano ang gagawin sakaling magkasit. 

Ang MHD ay pinamumunuan ni Dr. Arnold 'Poks' Pangan.