Tila nilinaw ni Joey de Leon na hindi umano tuluyang mamamaalam ang longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” matapos ang kanilang opisyal na pahayag nina Tito Sotto at Vic Sotto nitong Miyerkules hinggil sa kanilang pagkalas sa producer nitong TAPE Incorporated, na pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos.

Batay sa kanilang emosyunal na pahayag kanina, hindi umano sila pinayagan ng management na magsagawa ng live na programa kaya taped ang umere kanina.

Dito ay inanunsyo na nila ang kanilang pagkalas sa TAPE, Inc. epektibo ngayong Miyerkules, Mayo 31. Punumpuno ng pasasalamat ang kanilang pahayag. Pinasalamatan nila ang kanilang tatlong naging tahanan, ang RPN 9, ABS-CBN, at GMA Network gayundin ang kanilang advertisers, at siyempre, ang kanilang mga giliw na Dabarkads at manonood na walang sawang tumangkilik sa kanila, sa loob ng 40 taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mababasa rin sa kanilang opisyal na Facebook page ang buong makabagbag-damdaming pahayag.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/05/31/whats-next-tvj-emosyunal-na-nagpaalam-kumalas-na-sa-tape-inc/

Sa isang Instagram post, sinabi ni Joey na hindi raw sila tuluyang "mag-sign off" bagkus ay "day off" lang daw nila.

"We're not signing off … we are just taking a day off!" anang Eat Bulaga host kalakip ang video ng kanilang pamamaalam.

screenshot mula sa IG post ni Joey de Leon

Dumagsa ang mga iba't ibang reaksyon at damdamin ng netizens sa nasabing post ni JDL. 

"TV viewing will never be the same without you guys. Please be back! Kayo na lang ang constant sa television-viewing ngayon. Wag nyo naman iwan mga tagahanga nyo na sabay sabay na tumanda sa panonood ng Eat Bulaga."

"kakapit kami sa sinabi mo dati, hanggat may bata may #EatBulaga kaya Pinas wag kayong mahiya magpadami 🤭"

"When i moved here in the States year 2000, kayo ang na miss ko but GMA pinoy tv made it possible na mapanood ko kayo dito, after work kayo ang pang pa relax ko, i never miss a show kasi naka record lahat so anytime pinapanood ko kayo! It will never be the same😔but God has a better plan for you all!!🙏🏻🙏🏻HANGGANG SA MULI!!❤️❤️❤️"

"Hindi na masarap mananghalian kapag wala ang eat bulaga… kayo ang sahog na nagpapasarap sa pagkain sa tanghalian kuya joey boss vic tito sen"

"Yessss! Kahit saan po kayo pumunta, kasama nyo kaming mga solid dabarkads. God Bless you TVJ"

"TVJ is Eat Bulaga. Eat Bulaga is TVJ. Always was. Always will be. No legal documents can deny that FACT."

"WE LOVE YOU PO!!! 12nn will never be the same without #eatbulaga"

"Kahit saan po kayo mapadpad sasama kami!!!!"

Samantala, nakaabang na ang lahat sa susunod na mga hakbang ng TVJ hinggil sa Eat Bulaga. Malakas kasi ang bulong-bulungang matutuloy ang paglipat nila sa TV5, at ang ilalagay sa noontime slot daw ay ang “Wowowin” ni Willie Revillame, subalit tikom pa ang bibig ng iba’t ibang kampo upang kumpirmahin o pabulaanan ito.

MAKI-BALITA: ‘Rigodon sa noontime?’ Eat Bulaga, tuloy na raw sa paglipat, Wowowin may pasabog sa Hunyo