Kaniya-kaniyang hugot at "life realization" ang mga netizen sa balitang engaged na ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa kaniyang non-showbiz boyfriend na nakilala sa pangalang "Philip Evangelista."

Alam naman ng lahat at nasubaybayan ng madlang pipol ang nangyari sa dalawang naunang "P" sa love life niya at ama ng kaniyang mga anak, na sina Paulo Avelino at Paolo Contis.

Kaya tuwang-tuwa ang mga netizen at fans ni LJ nang walang kaabog-abog na i-flex niya sa kaniyang social media accounts kahapon ng Martes, Mayo 30, ang mga litrato ng engagement nila ni Philip. Marami ang nagulat dahil wala namang masyadong pag-flex si LJ sa socmed, na may jowa na siya.

MAKI-BALITA: LJ Reyes, engaged na!

National

Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA

Anyway, bukod sa pagsasabi ng congrats at best wishes sa love birds, kaniya-kaniyang hugot nga ang mga netizen sa nangyari kay LJ.

"Yass gurl deserve mo 'yan. Totoo talaga na ‘You will never get to meet the right man if you continue to stay with the wrong one.’ Kaya si Lord na rin gumagawa ng way para mawala sa buhay natin ang mga maling tao."

"At your absolute best, you still won’t be good enough for the wrong person. At your worst you’ll still be worth it to the 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 person."

"Pag matinong babae kahit may anak ka na, hindi importante ang past. May magmamahal ng totoo at pakakasalan ka."

"Para sa mga babaeng nag-stay sa toxic relationship kumawala na kayo malay n'yo may ni-prepare si Lord na mas mahigit pa sa jowa n'yo ngayon."

"Ang lesson sa mga babae lalo na those who stay for the wrong reasons: You will never get to meet the right man if you continue to stay with the wrong one."

Samantala, ayon sa panayam ng PEP sa dating karelasyon ni LJ na si Paolo Contis, "no comment" daw ang sagot nito sa balitang engagement ng dating jowa.

MAKI-BALITA: Paolo Contis, naurirat kung anong reaksiyon sa engagement ni LJ Reyes