Nagtalaga na ang Department of Transportation (DOTr) ng bagong officer-in-charge ng Land Transportation Office (LTO) nitong Miyerkules.

Ito ang isinapubliko ni DOTr Secretary Jaime Bautista at sinabing papalitan ni Hector Villacorta si Jose Arturo Tugade na nagbitiw sa posisyon kamakailan.

Si Villacorta ay dating assistant secretary for communications and Commuter Affairs ng DOTr, ayon kay Bautista.

Dati ring naging secretary ng Commission on Appointments si Villacorta at nagtrabaho rin bilang chief of staff ni dating Senator Vicente Sotto III.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kaugnay nito, nangako naman si Villacorta na pagtutuunan nito ng pansin ang mga usaping kinakaharap ng ahensya, katulad ng pagpapalabas ng mga driver's license at plaka ng sasakyan.

Philippine News Agency