Patay ang isang babae matapos mahulog mula sa ika-14 na palapag ng condominium sa Malate, Maynila nitong Miyerkules, Mayo 31.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), humingi ng tulong sa pulisya si Barangay Chairwoman Divina Gracia dakong alas-9:20 ng umaga matapos mahulog ang isang babae mula sa ika-14 na palapag ng condominium sa Taft Avenue corner Malvar St. sa Malate district.
Nalaman ng mga rumespondeng police investigator mula sa security guard ng condo na nahulog ang babae sa bandang 9:15 a.m.
Hindi pa nakikilala ng pulisya ang biktima.
Richielyn Canlas