Inanunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na limpak-limpak na naman ang papremyo ng kanilang mga lotto games na naghihintay na mapanalunan ng kanilang mga suki sa gagawing lotto draw ngayong alas-9:00 ng gabi ng Martes, Mayo 30.
Batay sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 ay aabot na sa ₱181 milyon.
Nasa ₱53 milyon naman ang jackpot prize sa SuperLotto 6/49 at ₱33 milyon para sa Regular Lotto 6/42.
Kaugnay nito, hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets at tumaya sa kanilang paboritong lotto games.
Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto dahil sa halagang ₱20 lang ay may tiyansa nang maging susunod na milyonaryo at nakatulong pa sa kawanggawa.