Sa harap ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, nag-sample ng pangmalakasang operatic vocal showdown ang Kapamilya singers na sina Jona Viray at Darren Espanto.

Ito ang viral nang ">TikTok upload ng Kapamilya creative na si Darla Sauler tampok ang hindi na-ereng bahagi ng guesting ng dalawang singer sa "Magandang Buhay" kamakailan.

Sa video, makikitang pinag-sample ng mga momshie ang tinaguriang “Pair of Aces” sa operatic classic.

Habang nakaupo lang, walang effort lang na binirit nina Jona at Darren ang climax ng kanta.

National

Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA

Sa huli, makikita pang amazed na amazed ang mga host kabilang na si Songbird na napa-react pa sa mala-concert nang sample ng Kapamilya singers.

“Pambihira naman, sample lang,” maririnig sa putol na sabi ni Songbird.

Ilang araw matapos i-upload sa TikTok, mahigit 210,000 views na ang footage na parehong hinangaan ng netizens.

“It's so amazing to see Darren hit the same notes with Jona. Of course, expected na mas mataas top note ni Jona, but hey, just wow! 😊” namanghang komento ng isang netizen.

“World class!”

“OMG grabe kayong dalawa! 💛💚👏🏻”

“Yung tipong pa sample lang daw pero parang prod na! 🙌🙌🙌”

“Regine be looking at them like a proud momma! 😁”

“The blendingggggg!”

“Such a difficult placement to master. So much talent overflowing.”

Ang duo ay nakilala bilang "Pair of Aces" kasunod ng kanilang matagumpay na concert tour sa Canada noong 2019.