Isa pang korona ang maaring maiuwi sa kauna-unahang Miss Grand Philippines pageant ngayong taon, anunsyo ng organisasyon ilang araw matapos magsara ang aplikasyon.
Nitong Linggo, Hulyo 28, inanunsyo muli ng pageant brand ang dagdag pang korona sa dalawang unang ipinabatid sa publiko kamakailan.
Una na rito ang Miss Grand Philippines title habang hindi pa nabanggit ang titulo para sa dalawa.
Basahin: 2 titulo ang maiuuwi sa kauna-unahang Miss Grand PH pageant – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
“The excitement is building as we announce the addition of one more crown for this year's Miss Grand Philippines pageant! That's right, not one, not two, but THREE crowns will be at stake this year,” anang Miss Grand Philippines sa kanilang Facebook post, Linggo.
Ito’y tatlong araw bago matapos ang pagsasara ng aplikasyon sa Miyerkules, Mayo 31.
“We can't wait to see the best and brightest compete for the coveted titles. Stay tuned for more updates and be sure to mark your calendars for the big event!” pagtatapos ng post.
Para sa kwalipikasyon, ang aspiring beauty queens ay dapat hindi bababa sa 5’4 ft. ang tangkad, edad 18-29 taong gulang, residente ng Pilipinas, Philippine passport holder, babae, at hindi pa kailanman nag-asawa o nagkaroon ng anak.
Matatandaan noong Nobyembre 2022, opisyal nang kumalas ang pageant brand sa dati nitong tahanan, ang Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI).