Walang pagdududang isa sa mga patok na panghapong panoorin ngayon sa GMA Network ay ang medical-themed teleseryeng "Abot Kamay na Pangarap" na pinagbibidahan ni Jillian Ward, kasama pa sina Richard Yap, Carmina Villaroel, Dominic Ochoa, Pinky Amador, Dina Bonnevie, at iba pa.

Natuwa ang netizens at Kapuso viewers sa magandang takbo ng kuwento na talaga namang sinubaybayan. Kung susumahin ay nasa ikatlong season na ito dahil nagsimula itong umere noong Setyembre 2022. Which means to say, mataas ang TV ratings nito kaya hindi pa tinitigbak.

At dahil mataas ang ratings nito, naturalmente lang namang ma-extend ang kuwento nito.

Pero habang tumatagal, tila dumarami na yata ang naiistress at nadidismaya sa itinatakbo ng kuwento nito, batay sa mababasang mga komento sa Instagram page ng GMA Network, lalo na sa video clips na ipinakikita ang ilan sa mga kaabang-abang na eksena rito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Lalo na sa naging eksena nina Pinky Amador (Moira) at Dina Bonnevie (Giselle) kung saan pinalayas ni Moira si Giselle sa ospital dahil siya na ang major stockholder nito, batay na rin daw sa binding na pirma ni Robert na ginagampanan ni Richard Yap.

Wish nila na sana raw, tapusin na ng GMA ang kuwento at huwag nang pahabain pa.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens/Kapuso viewers na mababasa sa comment section ng IG post ng GMA:

"Please end the show. I used to love the show, but I don't know anymore. I try to patronize Philippine dramas; however, I still can't because of this beating-around-the-bush script and add ons scenes that shouldn't be in the story. Please add substance to the scenarios that not just oppressed the main character, and the evil side always wins. Let us breathe into some of your episodes, but still, the writers and the production want to have a longer span of this drama, so they try to include some unnecessary evil parts of the story."

"Kailan ba ang finale na 'to? Tapusin nang palabas na 'to! Ikot-ikot na lang ang storya. Si Richard Yap doble-doble na ang serye, bigyan naman chance ang ibang artista, dami pa naka line-up na serye!"

"Mataas na tao pero asal kalye. Ano na GMA. Maganda sa umpisa then pumapangit na."

"Ratings na lang ang mahalaga sa kanila dibale na lumayo ang story basta mapahaba. Dapat check n'yo rin ang comments ng mga tao. Mas masarap pa manood ng ibang Drama ng GMA na alam mong tapos na ang taping kasi alam mong wala ng extension eh. Kesa sa ganito na nakakapag-taping pa sila kaya pwede mahabain. Nakakasawa na din panoorin ang acting ni Jillian na paulit-ulit na lang umiiyak at bait-baitan."

"Dear GMA, I am officially lodging a complaint of why making us your viewers experience this negative wave of emotions and stress which is not helpful at all to what is happening in the Philippines. Can you please give us a an episode that shows a ray of hope rather than giving your viewers this stressful episode where the only winners are the villains of the show. This show is great but now it seems to lose its sparkle. I am worried for you as you might lose your viewers if this keeps on happening. That is minus 5 from our family. Remember, it always starts small and by the end we will grow larger of not watching this show. Take this into consideration please."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang production team sa likod ng serye o maging ang GMA management tungkol dito.