Usap-usapan ngayon ang TikTok video ng social media personality na si "Bryanboy" o tinatawag ding "Ninang" matapos niyang ibida ang kaniyang "11-year chart" ng kaniyang glow-up transformation mula 2012 hanggang 2023, at kung paano niya na-maintain ang looks niya ngayon.

Ayon kay Bryanboy sa kaniyang caption, "Hindi ka pangit... wala ka lang pera!"

"Papakita ko po sa inyo kung ano ang puhunan ko 11 years ago," ani Bryanboy.

Inisa-isa ni Bryanboy ang kaniyang mga pinagdaanan mula 2012 hanggang sa taong kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpapakita ng throwback photos.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Inokray pa mismo ni Bryanboy ang kaniyang sarili at sinabing minsan sa buhay niya, mukhang "sibuyas" ang ilong niya at mukhang "paa."

"Money is power talaga, halika magpaganda na po tayo," ani Bryanboy.

Tinanong naman si Bryanboy ng isang TikTok user kung magkano ang inilalaan niya upang ma-maintain ang kaniyang current appearance.

Hi ninang! curious lang po, how much naman po to maintain your current appearance po?"

Sagot ni Bryanboy, "Yung bangko lang po ang nakakaalam kung magkano ang total. Ayoko na pong alamin nakakatakot baka atakihin ako sa puso."