Tinatayang 46% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi nagbago ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Lunes, Mayo 29.

Sa tala ng SWS, 29% naman umano ang naniniwalang bumuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan (tinawag sila ng SWS na “Gainers”), habang 25% naman ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan (“Losers”).

“The resulting Net Gainers score is +5 (% Gainers minus % Losers, correctly rounded), classified by SWS as high (+1 to +9),” anang SWS.

Ang naturang Net Gainer noong Marso 2023 ay mas mababa lamang umano sa 3 puntos kung ikukumpara sa +8 noong Disyembre 2022. Gayunpaman, mas mababa pa rin ito ng 13 puntos sa antas ng pre-pandemic na may +18 noong Disyembre 2019.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Marso 26 hanggang Marso 29 sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.