Inaresto ng mga miyembro ng Pasay City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang dalawang lalaking wanted sa kasong carnapping at panggagahasa sa magkahiwalay na manhunt operations.

Kinilala ni Col. Froilan Uy, hepe ng pulisya ng lungsod, ang mga suspek na sina Romel Rico Leal, 25, at John Peter Gascon, 26.

Sinabi ni Uy na si Leal, na nahaharap sa kasong carnapping, ay naaresto dakong ala-1:00 ng hapon noong Mayo 26 sa Pasadeña St. sa Pasay City sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge Elenita Carlos Dimaguiba ng Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 298 noong Marso 23, 2023, na may inirekomendang piyansang P300,000.

Aniya, si Gascon, na nahaharap sa kasong panggagahasa, ay naaresto dakong alas-10:00 ng umaga noong Mayo 29 sa Saint Joan St. sa Maricaban, Pasay City.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na inaresto si Gascon batay sa warrant na inilabas ni Judge Christian Pascual Castaneda ng Pasay Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 109 noong Marso 17, 2023, na walang inirekomendang piyansa.

Sinabi ni Uy na ang dalawang suspek ay nakakulong ngayon sa custodial facility ng pulisya.

Jean Fernando