Habang hinihintay ang pagdating at pagpunta sa kaniyang bahay ni Christian Merck Grey alyas "Makagwapo" upang personal na i-abot ang ipinangakong ₱350,000, nagsagawa ng Facebook Live si Marlou/Xander Arizala at nagbigay ng mensahe sa kaniyang bashers.

Matapos ngang pagpiyestahan sa social media ang naging binyag ng anak hanggang sa kontrobersyal na sagutan nila ni Makagwapo tungkol sa ipinangako nitong ₱349k (na ginawa nang ₱350k) para sa anak, dumating na sa puntong nagdesisyon ang huli na pagbigyan na siya at ibigay na rito ang cash.

Alang-alang daw sa kapakanan ng inosenteng bata na nadadamay na sa isyu, ibibigay na ni Makagwapo ang hinihingi sa kaniya ng social media personality at dating miyembro ng Hasht5.

Pero paglilinaw ni Makagwapo, hindi niya talaga sinabing tototohanin niya ang naturang usapan, na noong una ay biru-biruan lamang at hindi naman niya akalaing seseryosohin ni Xander.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Dumating na nga sa puntong humingi na ng tulong si Xander sa kapwa social media personality na si AwitGamer.

Isa pa, "naiingayan" na raw si Makagwapo kay Marlou/Xander dahil sa panay parinig nito sa social media.

"Ayoko naman na parang may nadadamay na bata which is yung anak ni Marlou, siyempre tatay rin naman ako, so para matapos na, para matuldukan na 'to, oh sige na Marlou, papaubaya na 'ko... ibibigay ko na yung perang hinihingi ni Marlou! Kahit hindi niya ako inimbita (sa binyag ng anak) para lang matapos na 'to, kasi nadadamay na yung bata, ibibigay ko na yung ₱349,000 na sinasabi mo Marlou..." ani Makagwapo.

Ngunit sa latest FB videos ni Marlou/Xander, tila hindi pa nagpupunta si Makagwapo sa kanilang bahay upang i-abot nang personal ang pera.

"Sa mga taong apektado... galit na galit sa akin ngayon dahil nga mukha raw akong pera, pasensya na kayo. Sa hirap ng buhay ngayon, eh kailangan talaga ng tao ng pera," paliwanag ni Xander.

Sa ngayon ay wala pang update ang dalawang kampo na natuloy na ba ang "turn over" ng pinagtatalunang pera.

BASAHIN: Xander Arizala hinihintay si Makagwapo na dalhin sa kaniya ₱349k cash