Usap-usapan ngayon ang tila matapang at palabang Instagram post ng Kapamilya actress at Star Magic artist na si Loisa Andalio matapos magpakawala ng tila pagkadismaya para sa boyfriend na si Ronnie Alonte, sa naganap na Star Magic All-Star Games kamakailan.
Ayon sa ulat, tila nanghihinayang umano si Loisa na hindi masyadong "nagamit" ang husay ni Ronnie sa paglalaro ng basketball at "nabangko" ito.
"It's time to walk away when you're not appreciated for who you are. You deserve to be respected," ani Loisa sa kaniyang IG post nitong Mayo 27. May hashtag pa itong "#WhenAStarLosesItsMagic."
Kalakip ng IG post ang ilan sa mga clips ng paglalaro ni Ronnie ng basketball.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Nababangko din po ako sa basketball pero never ko naisip na hindi ako naappriciate or hindi nirespeto bagkos mas naisip ko na mas kailangan ko pa pagbutihan. Kung sa NBA nga mga top pick at mga player na may napatunayan na nababangko pa ee. Career na nila yung liga na yun ito kasiyahan lang. Wag ho tayo sa badside ng sitwasyon lagi tumingin. God bless."
"This is why I support Loisa. Real sentiments that non-celebrities like me can relate."
"Magaling naman si Ronnie eh. Lodi 'yan pero wag n'yo naman personalin game po 'yan. Marami pa siya iba pwede patunayan sa talentong meron siya."
"Sports lang wag kaung umarte na parang aping-api."
"Agree ako diyan bakit kasi yung isa ang pinasok eh lamya naman wala naman naambag panay porma."
"Favoritism kasi umiiral, di dapat basketball yung game, fanservice dapat tawag, kung sino ung napagperahan na fans yun priority nilang artist🤦♀️, kaya mas nasisira ang ABS dahil sA kultura nilang favoritism."
Sina Loisa at Ronnie ay isa sa cast members ng kauna-unahang teleseryeng kolaborasyon ng ABS-CBN at TV5, ang "Pira-pirasong Paraiso" kasama sina KD Estrada, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Joseph Marco, at Elisse Joson.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Star Magic tungkol sa isyu.