Sa kauna-unahang pagkakataon sa isang panayam, direktang isiniwalat ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na siya ay bahagi ng LGBTQ+ community.

Ito ang walang takot na ibinahagi ng beauty queen sa ekslusibong panayam ng MEGA Entertainment na aniya’y matagal nang kinamulatan ng kaniyang sarili.

“I definitely identify myself as bisexual. I've identified with that for as long as I can remember. I'm attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes," sey ni Michelle.

“I grew up in an environment where we'd appreciate pogi, maganda,” dagdag niya habang sinabing hindi rin niya kinailangang magladlad sa kaniyang pamilya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“When I get into a relationship, the first thing I will tell that person is 'Okay, let's get this out of the way.' And then you can decide if you want to date me,’” pagpapatuloy ng titleholder.

Samantala, niresbakan din ng Kapuso talent ang mga lumang larawang malisyuso aniyang ipinakalat ilang araw lang matapos siyang koronahan.

Dito makikita ang tila “boyish” na imahe ni Michelle sa kaniyang pananamit at style.

“I want to come out with this story because I know that those photos were spread with malicious intent-- to kind of distract me, make me feel I'm not worthy of the crown,” sey niya.

Basahin: Michelle Dee, ‘unbothered queen’ sa pressure, kritisismo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya naman, layon ngayon ng beauty queen na kontrolin ang kaniyang kwento sa pamamagitan ng opisyal na paglaladlad.

“I feel that it's so important when somebody tries to knock you down and use your past against you. We all have to realize that we've come such a long way to just let our past define us. Again, how old was I? That was 2014, and it's 2023," palabang talak ni Michelle.

Sa huli, tanging payo lang ng beauty queen sa mga katulad niyang tila ninakawan ng pagkakataong ibahagi ang kanilang kuwento nang walang panghuhusga, ang lalo pang pagyakap sa sarili, pagpapahalaga at kumpiyansa rito para kontolin ang sariling buhay.

Samantala, si Michelle ang ikalawang Miss Universe Philippines na umaming bisexual. Matatandaan ang noo'y bukas na sekswalidad din ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.