Nasungkit ng pambato ng Palawan na si Angelica Lopez at Anna Valencia Lakrini ng Bataan ang dalawang major crowns sa Binibining Pilipinas 2023, Linggo ng gabi, Mayo 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Pasabog ang naging opening number sa pangunguna ni Darren Espanto kasama ang 40 candidates, reigning Binibining Pilipinas queens, at si Miss International 2022 Jasmin Selberg.

Agad namang iginawad ang unang batch ng special awards ng mga hosts na sina Catriona Gray, Nicole Cordoves, at MJ Lastimosa. Narito ang mga nagsipagwagi:

Binibining Pizza Hut 2023 - April Barro, Cagayan de Oro

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Jag Denim Queen 2023 - Anna Valencia Lakrini, Bataan

Binibining Ever Bilena 2023 - Trisha Martinez, Laguna

Binibining Philippine Airlines 2023 - Trisha Martinez, Laguna

Manila Bulletin Readers’ Choice 2023 - Sharmaine Magdasoc, Ortigas, Pasig

Binibining Bingo Plus 2023 - Loraine Jara, Bulacan

Matapos nito ay isa-isa nang tinawag ang mga pasok sa Top 11 ng kompetisyon. Narito ang listahan ng mga nakapasok sa banga:

Binibini 36, Lea Macapagal

Binibini 29, Trisha Martinez

Binibini 33, Katrina Anne Johnson

Binibini 36, Mary Chiles Balana

Binibini 24, Anna Valencia Lakrini

Binibini 15, Jessilen Salvador

Binibini 11, Kiaragiel Gregorio

Binibini 6, Angelica Lopez

Binibini 16, Atasha Reign Palani

Binibini 14, Jeanne Balasano

Binibini 39, Loraine Jara

Pinainit ng semi-finalists ang laban nang rumampa ang mga ito suot ang kani-kanilang swimsuits sa saliw ng bagong single ni Vice Ganda na “Rampa,” at sa pagtatapos nang nasabing round, wagi bilang “Best in Swimsuit” si Anna Valencia Lakrini ng Bataan.

Elegante at kaniya-kaniyang paandar naman ang Top 11 sa evening gown competition kung saan itinampok ang gowns na idinisenyo ng iba’t ibang Pinoy designers. Wagi si Trisha Martinez ng Laguna sa segment na ito ng pageant.

Narito naman ang huling batch ng special awards:

Best in National Costume - Jeanne Bilasano

Binibining Friendship - Mary Chiles Balana

Miss Talent - Candy Vollinger

Face of Binibini - Julia Mendoza

Nagpasiklaban naman sa talakan ang Top 11 sa Q&A round kung saan iba’t ibang paksa ang sinagot at tinalakay ng mga kandidata.

Sa winning answer nang nanalong Binibining Pilipinas Globe na si Anna Valencia Lakrini, ibinahagi nito ang pagkakapareha ng isang beauty pageant candidate sa isang politikong kumakandito.

“As someone who’s joining for a second time, I know that a beauty pageant has a platform on which we can talk about causes that are dear to our heart. My cause that is dear to my heart is nutrition. And as a nutritional scientist, as an advocate for proper nutrition, I know that in advocating with this platform from Binibini Pilipinas, we can inspire so many people. And a politician can inspire our whole community. And so can we,” lahad ni Anna.

Tinanong naman ang bagong Binibining Pilipinas International na si Angelica Lopez ng “What makes you a binibini who walks the talk and who is beyond mere self-promotion?”

“I stand here tonight because it is my mother that instilled me the values and the morals that I’m using to be the woman that I am now today. A woman who has the strength, courage, and tenacity. The strength to decide for herself what she wants really works hard to achieve it.

To also have the courage to face any obstacles of life and tenacity to hold on to her wisdom of choice. And I believe that it’s always a dream come true to be here and that is why I am a binibini that I’ve always meant to be,” lahad ni Angelica sa kaniyang winning answer.

Sa pagtatapos ng gabi, kinoronahang 2nd runner-up si Atasha Reign Palani, habang 1st runner-up naman si Katrina Anne Johnson. Ang major crowns naman ay nauwi ng mga pageant repeaters na sina Anna Valencia Lakrini na sasabak sa Miss Globe 2023, at si Angelica Lopez naman ang kakatawan sa bansa sa Miss International pageant para sa taong 2024.