Inihayag ni Atty. Joji Alonso sa isang Facebook post na hindi nila palalampasin ang pag-post ng isang indibidwal na naglalayon umanong “i-discredit” at “i-malign” ang isa niyang celebrity client, bagay na tila sinagot naman ng composer at dating kaibigan ni Moira dela Torre na si Lolito Go sa pamamagitan ng isa ring Facebook post.

"I have been advising a celebrity client not to pursue legal action against her estranged husband, despite strong grounds against him, and instead focus on the more important issue - where a Petition is set to be filed," pahayag ni Alonso sa isang Facebook post nitong Linggo ng gabi, Mayo 28.

"Then today, someone writes a story filled with lies and decides to make it a 'pinned post', with no intention other than discrediting and maligning said client. No matter how much I believe in forging peaceful co-existence, this is not one we will let pass. 

"This someone must be sued and take accountability," saad pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagama't hindi pinangalanan ni Alonso ang tinutukoy niyang celebrity client at ang nag-post umano laban dito, tila patungkol daw ito sa isang Facebook post ni Go hinggil sa umano'y totoong nangyari sa hiwalayan nina Moira at Jason Marvin Hernandez, at ang karanasan daw niya nang makatrabaho si Moira.

MAKI-BALITA: Composer, dating kaibigan ni Moira, may isiniwalat hinggil sa breakup nito kay Jason

Ini-screenshot naman ni Cornerstone Management Vice President Jeff Vadillo ang naturang post ni Alonso at ipinost ito sa kaniyang Facebook.

“Lahat naman sa Industry na to may business interest given na yan. But this is more than just business. Its about protecting a woman (my sister in heart) whose professional integrity - which she built through years and years of hard work and talent - is questioned and maligned through sheer word play,” ani Vadillo.

"This Message Repost hopefully would be my last statement regarding this matter. Thanks Atty. Joji Villanueva Alonso," dagdag niya.

Matatandaang sinagot din kamakailan ni Vadillo ang naunang post ni Go na tinawag niyang pag-throw ng shade sa integridad ni Moira bilang isang artist at songwriter.

MAKI-BALITA: VP ng Cornerstone, pinasinungalingan pahayag ng composer laban kay Moira

Sinagot naman ni Go ang nasabing pagtatanggol ni Vadillo kay Moira at sinabing huwag "kunsintihin kung may nakikita na kayong red flags."

MAKI-BALITA: Composer Lolito Go, sinagot pagtatanggol ni Cornerstone VP Jeff Vadillo kay Moira

Samantala, sa isang hiwalay na Facebook post ay naglabas muli ng pahayag si Go hinggil naman sa demandahan na siyang tila pagsagot umano nito sa pahayag ni Alonso.

“When someone is getting sued, it doesn't automatically mean they're wrong. When someone is getting sued, it doesn't automatically mean they're getting locked up,” saad ni Go.

“Anyone can sue. And I am not someone you can intimidate by legal actions. I am willing to face the music,” dagdag niya.

Habang sinusulat ito’y wala pang pahayag si Moira o Jason hinggil sa isyu.