Ikinagalak ng netizens ang collab ng SB19 kasama ang “Unkabogable Phenomenal Super Star” na si Vice Ganda, kung saan ibinida ng mga ito ang husay nila sa kaldagan sabay sa bagong single ng grupo na “Gento.”

Sa opisiyal na TikTok account ng SB19, makikitang pinagitnaan nila Pablo, Stell, Ken, Justin, at Josh si Meme Vice habang sinasayaw ang choreography nang nasabing awitin.

“VICE GENTO,” lahad sa caption ng SB19.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Kaliwa’t kanan naman ang magagandang komento mula netizens at sa “A’tin” na siyang tawag sa fandom ng SB19.

“I remember when SB19 wasn't that kind of big than of today. Vice mentioned them in it's showtime, saying they were good that people should start viewing and listening to their song,” sey ng isang netizen.

Ang ilan naman ay umaasa na mag-perform ang SB19 sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime,” kung saan main host si Vice Ganda.

“Gento performance on ‘It’s Showtime when?,” tanong ng isang faney.

Sa ngayon ay may higit 300k likes at halos 2 million views na ang nasabing TikTok video ng SB19 kasama si Vice Ganda.