Sa ikaanim na sunod na pagkakataon, itinanghal na overall champion sa katatapos lamang na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season 85 ang University of Santo Tomas.

Bagama’t kulelat sa men’s basketball, na siyang pinakatanyag na laro sa UAAP, nanaig at nakuha naman ng UST ang 332 points mula sa pinagsama-samang panalo nila sa iba’t ibang sporting events kabilang na ang men's at women's beach volleyball, women's 3x3 basketball, men's chess, men's tennis, men's table tennis, women's taekwondo, men's judo, at women's track and field.

Pumangalawa naman sa UST ang De La Salle Univesity na nakakuha ng 279 points.

Ito na ang ika-67 na general championship ng UST at sa panalo nilang ito, sila pa rin ang unibersidad na may pinakamaraming panalo sa kasaysayan ng UAAP.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, inanunsyo naman na sa susunod na season ng UAAP, magsisilbing host school naman ang University of the East. Sa ngayon ay wala pang pinal na detalye kung kailan magbubukas muli ang palaro para sa UAAP schools.