Tila naka-relate ang netizens sa Facebook post ng isang nagngangalang “TapaLord Marlon” matapos niyang ibahagi ang mga litrato sa isang pinuntahang kasal na kuha ng photographer.

Aniya, pose daw siya nang pose sa photographer sa loob ng simbahan, na inakala niyang libre; iyon pala, may bayad itong 50 piso sa bawat pitik o kuha.

“Yung pose ka ng pose 50pesos pala isa, Hahahahahahaha kala ko kasama namen yung kumukuha eh...” caption niya sa kaniyang viral FB post.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen na tila naka-relate din sa kaniya. Ang iba raw, naranasan ito sa recognition day, moving-up, at graduation ceremony sa mga paaralan.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

"Super relate, nung binyag ng baby ko kuha ng kuha ng picture sa amin, kami naman since aware na sa ganon, hinahayaan ko lang kasi alam kong pwdeng tumanggi, eto plot twist pumunta sa bahay namin dala ang mga pics, at may mga 8R pics pang kasama na umabot sa 1,950 lahat, di na ako tumanggi nakakahiya sa effort nila at infairness maganda nman mga kuha kaso parang hinoldap ka..."

"I remember nung umattend din ako ng kasal ganito din. Di kmi inform na may bayad pala kaya todo-pose din ako .🤣🤣🤣Tapos di naman nagbibigqy ng soft copy. Hahahaha. Pero ang lakas maka-throwback ganitong eksena..."

"I remember this during high school days yung pose ka nang pose tapos si manong photographer shot ng shot wala naman pala film yung camera n'ya hahaha."

"Hahhaaa legit to mapahanggang ngayon hahahahha kc nung kasal namen nagulat nlng ako un monther in law ko at 2 kong brother in law my bnyadan at hawak n agad ang pic e hahahahhah."

Samantala, sey naman ng mga netizen, wala namang masama kung kukunin at bibilhin ang mga litrato para hindi na rin sayang at kumita pa ang photographers na maaaring dito na lamang umaasa bilang kabuhayan nila.

Ikaw, anong kuwento mo tungkol dito?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!