Hinikayat ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marco Jr. ang mga Cebuano na maging katuwang ng pambansang pamahalaan sa pagdating sa nation-building.

Sa pagsasalita sa harap ng maraming tao sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City nitong Sabado, Mayo 27, sinabi niyang huwag silang mag-atubiling makipag-ugnayan sa kaniya kung sa tingin nila ay kailangan ang kaniyang interbensyon sa ilang mga isyu.

Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng bawat indibidwal sa pagsusulong ng iba't ibang pambansang agenda.

"Nandiyan pa rin kayo at inaasahan namin kayo na you’re still our partners in all that we are doing in nation-building," saad ni Marcos sa kanila.

National

De Lima kay VP Sara: ‘Kung magnakaw wagas, kapag pinapaliwanag andaming hanash!’

"We talked about nation-building before. That is still the same. It is still the same dream that we have. It is still the same dream that we fight for. It is still the same dream that we are continuing to dream," dagdag niya.

Sinabihan din ng Pangulo ang kaniyang mga tagasuporta na manatiling nagkakaisa lalo na umano ngayon na marami pang dapat gawin sa ilalim ng kaniyang termino.

"Marami tayong kailangan gawin. Pagka mayroon kayo dito sa locality, kung meron kayong nakikita na kailangan ayusin, marami naman kayong contact dito sa amin, sabihan ninyo kami," ani Marcos.

"Para naman masabi natin pag nabalitaan ng national government na may problema ay may ginawa kaagad at makikita we are very responsive to the needs of our people," dagdag niya.

Nagtungo sa Cebu si Marcos para dumalo sa grand launch ng Pier 88 seaport project sa Liloan.

Sa kaniyang pagbisita, sinamantala ng Pangulo ang pagkakataong makilala ang kaniyang mga tagasuporta at nagpasalamat sa kanila sa pagsuporta sa kaniyang presidential bid noong nakaraang taon. Tiniyak din niya na patuloy na susuportahan ng kaniyang administrasyon ang pag-unlad ng lalawigan, lalo na umano sa larangan ng agrikultura, enerhiya, at maliliit na negosyo.

Betheena Unite