Umani ng papuri mula sa netizens ang "walang arteng" pangangalakal ni Jimmy Santos.

Ang dating Eat Bulaga "dabarkads," na ngayon ay nasa Canada na ay nangangalakal ng mga basyong bote at lata ng soda, na kaniyang ipinakita sa vlog nitong may pamagat na "Jimmy Saints nangalakal sa Canada!"

Maraming netizens ang sumaludo kay Santos at humanga sa kasipagan nito.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

"Hanga ako sa iyo Jimmy, kay sipag mo at hindi maarte. Marangal iyang trabaho mo at hindi ka dapat mahiya. You're an inspirational person. Sana ay maging isang Canadian ka, napakaswerte mo kung sakaling maging isa ka. Continue that job kung may oras ka, kasi hindi nman mahirap. Ako ay isang tagahanga mo noong nasa Pinas ka pa at hanggang ngayon."

"Sir Jimmy ipagpatuloy mo lang ang paggawa ng mabuti sa bansang Canada, walang dapat na ikahiya sa gawaing nakapagpapasaya sa iyo. Nakakatulong ka na, kumikita ka pa. Mabuhay ka."

"Continue to make Filipinos proud sa marangal na trabaho meron ka sa banyagang bansa. May God bless you always on your journey outside your comfort zone."

"Mula noon hanggang ngayon humble parin. Na miss ka na namin sa tv or sa pelikula sir Jimmy!"

"Walang masama sa pag rerecycle, di man lahat, pero maraming Pinoy at ibang lahi ang nag rerecycle sa US at Canada at sa iba pang bansa. Nakakatulong na sa kalikasan kumikita ka pa."

Tampok sa nasabing ">vlog ang pagbebenta niya ng mga ire-recyle na basyo ng bote at mga lata sa isang recycling facility na South Pointe Bottle Depot sa Calgary.

Sa kaniyang "pangangalakal" ay nakakuha ito ng ng mahigit 15 Canadian dollar o mahigit P600.