Hinikayat ng mga lider ng simbahan ang mga mananampalataya publikong ipagdasal ang kaligtasan at kapakanan ng lahat lalo na umano ang mga maaapektuhan ng Typhoon Betty sa bansa.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ang bagong obispo ng Diocese of Antipolo, nagsimula na silang magdasal sa Oratio Imperata laban sa bagyo.

“We are already praying the ‘Oratio Imperata’ in our parishes and offering our Holy Masses that God in His mercy and power, that the typhoon will not make landfall and that it will weaken and dissolve,” ani Bishop Santos sa Radio Veritas.

“We pray that we will be spared and be saved from dangers and calamities. We put our trust on God and rely on His saving words and works. It is our hope that God hears our prayers and helps us. May our Blessed Mother Mary take us under her maternal embrace and protection,” dagdag niya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Samantala, sinabi naman ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na ang Social Action Center ng kaniyang diyosesis ay nagsimula nang maghanda ng tulong para sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.

“We will be opening the doors of our parishes in addition to the evacuation centers being prepared by the local government to residents who need to be evacuated,” ani Bishop Mallari.

Nanawagan ang pinuno ng Simbahan sa mga mananampalataya na manalangin bilang isang bansa.

“Ask for God’s mercy for safety from the strong typhoon and that despite the trials, we will remain united and in solidarity with one another,” saad ng obispo.

Sa kaniya namang panig, nagpahayag ng pag-asa si Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao na hindi magdudulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa mga apektadong lugar sa bansa.

Sa pinakabagong ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), humina ang takbo ng Typhoon Betty na kumikilos pakanluran sa Philippine Sea sa silangang bahagi ng Northern Luzon, habang nananatili umano sa Signal No. 1 ang 12 probinsya sa Northern Luzon.

MAKI-BALITA: 12 probinsya sa Northern Luzon, nakataas pa rin sa Signal No. 1 dahil sa Typhoon Betty

Christina Hermoso