LA UNION — Itinaas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) dito ang red alert status para sa mga operasyon nito ngayong Linggo ng gabi, Mayo 28.

Ang mga inaasahang epekto ng Bagyong #BettyPH ay mararamdaman sa lalawigan ng La Union ngayong Linggo.

Ipinagpatuloy din ng PDRRMO ang kanilang field observation para matiyak na handa rin ang Local Government Units sa anumang insidente.

Sinabi ng La Union Provincial Information Office na idineklara ng Munisipyo ng Luna ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas ngayong Lunes, Mayo 29.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinaalalahanan ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David ang kanyang mga nasasakupan na maghanda, at makipagtulungan sa panahon ng mga sakuna.

As of 9:30.pm ngayong Linggo , walang itinaas na Tropical Cyclone Signal sa lalawigan at walang naitala na insidenteng may kinalaman sa kalamidad.