CAGAYAN -- Inihayag ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ngayong Lunes, Mayo 29.

Ito ay magiging pag-iingat laban sa posibleng epekto ng bagyong 'Betty' batay sa inilabas na Executive Oder No. 02 series of 2023 ni Vice Governor Melvin Vargas na kasalukuyang Acting Governor.

Samantala, nananatiling alerto ang mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Cagayan at mga sub-station nito sa lagay ng panahon at sitwasyon sa dagat at ilog.

Nakabantay din ang tropa sa flood warning system sa ibang lugar na madalas bahain.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tiniyak na aabisuhan ang mga residente na agad na lumikas sakaling tumaas ang tubig.

Sa huli, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Coast Guard sa Incident Management Team (IMT) ng mga munisipyo para sa agarang paglikas o rescue operations.