Nagpasalamat ang aktres, komedyante, beauty queen, at Manila Bulletin columnist na si Giselle Sanchez sa pagsasagawa ng public apology ni Rendon Labador sa sikat na celebrities na sina Coco Martin, Michael V, at lahat ng mga nasaling at naapektuhan sa kaniyang mga nasabi laban sa kanila.

Ginawa ito ni Rendon matapos makipagkita sa batikang broadcast journalist na si Ben Tulfo, sa mismong tanggapan ng Bitag Live.

Mapapanood sa mismong Facebook account ni Rendon ang kaniyang paghingi ng paumanhin sa mga personalidad na nasaling sa kaniyang straightforward na pananalita.

"Gusto ko pong humingi ng apology, gusto ko pong humingi ng pasensya sa lahat po ng Pilipinong nasaktan at naging emotional sa mga nangyayari sa social media,” ani Rendon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabilang banda, hindi raw maipapangako ng social media personality na hindi na siya makapagsasalita ng mga masasakit kapag may celebrity na gumawa ng pagkakamali.

“Hindi ko po maa-assure kay Michael V, kay Coco Martin at sa lahat ng mga celebrity or atletang nadadamay sa lahat ng mga isyu na sinisita ko sa internet..."

“Pasensya na for being too straightforward. Ganoon talaga ako pinalaki ng aking mga magulang,” aniya pa.

Ganoon lamang daw siya magsalita dahil alam daw niyang sa ganoong paraan, ma-momotivate niya ang mga tao na baguhin ang hindi maganda sa kanila.

MAKI-BALITA: Rendon Labador nag-sorry na kina Coco Martin, Michael V

Sa comment section ng isa sa mga Facebook post ni Rendon ay mababasa ang pahayag ni Giselle na isa sa mga celebrity na nakiusap kay Rendon na mag-apologize sa mga nabanggit na personalidad.

"Thank you for following my advice to apologize to Michael V and Coco Martin. As I have written in my Facebook page, it takes a real man to humble himself and you have proven to be one! I wish you the best and hopefully Michael V and Coco Martin can bring their team in Episode Bar to eat and hang there! Tulungan tayo! Continue to motivate others," ani Giselle.

Screengrab mula sa FB ni Rendon Labador

Bago ito, noong Mayo 23, inilathala sa Manila Bulletin ang kolum ni Giselle patungkol sa naturang kontrobersyal na isyu.

"It takes a real man to own up to his mistakes. I know you can do it, Rendon Labador, people follow you because you motivate them, show them that you also have a humble and genuine heart. Nobody’s perfect. #motivate not destroy. Promote positivity and not strife. Michael V. Will appreciate your apology, so will Mr. Coco Martin," ani Giselle sa kaniyang Facebook post noong Mayo 24.