Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Isabela nitong Linggo ng hapon, Mayo 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 2:43 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 17 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Dinapigue, Isabela, na may lalim na 18 kilometro.

Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Casiguran, Aurora

Intensity II - Maddela, Quirino, at City of Santiago, Isabela

Intensity I - Baler, Aurora

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.