Sinagot ng composer at dating kaibigan ni Moira dela Torre na si Lolito Go ang pahayag ni Cornerstone Management Vice President Jeff Vadillo hinggil sa isyu ng umano’y pag-atake niya sa pagiging artist at songwriter ni Moira.

Matatandaang naglabas ng pahayag si Vadillo nitong Linggo ng gabi, Mayo 28, hinggil sa “hard work” at “genuine talent” ni Moira bilang isang artist at songwriter na tila nilalagyan daw ng “shade” ng isang composer.

MAKI-BALITA: VP ng Cornerstone, pinasinungalingan pahayag ng composer laban kay Moira

Ang nasabing pahayag ni Vadillo ay tila bilang sagot sa naunang pahayag ni Go tungkol sa umano’y paglapit at pagtawad ni Moira ng P20,000 para sa kaniyang serbisyo para sa ghostwriting, sa hindi pagbigay ng credit ni Moira sa kaniya, at maging sa sinabi ni Go na 95% ng hits ni Moira ay komposisyon ni Jason.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

MAKI-BALITA: Composer, dating kaibigan ni Moira, may isiniwalat hinggil sa breakup nito kay Jason

Sa isang Facebook post nitong Linggo ng gabi, nagbigay ng mensahe si Go kay Vadillo at sinabing hindi niya dinidiscredit si Moira.

“I actually mentioned na ‘exceptionally gifted songwriter’ at ‘self-made’ sya. Dagdag ko pa, one way or another, she'll make it to the top,” ani Go.

“Sa issue ng ghostwriting, ayoko na pong magpost ng resibo rito. Alam kong inappropriate, if not illegal, maglabas ng screenshots ng private convos. Tanungin nyo na lang po si Moira kung totoong she asked for my services at kung totoong nagpresyo sya,” dagdag niya.

Nilinaw din ni Go ang tungkol sa sinabi niyang 95% ng mga hit ni Moira ay kinompose ni Jason.

“I never said Jason wrote those songs ‘alone’. I only said Jason wrote most of Moira's hits to drive home the point na he is equally talented at hindi nya kelangang makiride or manggamit ng talent ni Moira like a lot of people are saying in social media. Thus, the rhetorical question: ‘Sino ngayon ang manggagamit?’,” saad ni Go.

“Sa isyu naman po ng hindi pagbibigay ng proper credit, di ko naman sinabing sa lahat ng instance ay hindi sya nag-aacknowledge. In one particular instance, my name was not included sa Spotify credit for a song na I wrote 95% of the lyrics and the melody of. Sabi nya, it was an honest mistake. Di nyo ako masisisi if I did not buy that alibi. Pakitanong na rin po sya tungkol sa bagay na 'yan,” giit pa niya.

Ayon kay Go, naiintindihan daw niya ang pagdepensa ni Vadillo kay Moira, ngunit huwag daw sanang kunsintihin kung may nakikita na silang “red flags” nito. 

“I understand you needed to defend her image, her brand. Cash cow nyo yan eh. Pero wag din ninyong kunsintihin kung may nakikita na kayong red flags,” ani Go.

“Believe it or not, I care for her. i am doing this para mauntog sya at mahimasmasan. Masyadong sheepish ang mga kaibigan at kamaganak ni Jason para ipagtanggol ang sarili nila. I took the initiative na kasi ganito ako noon pa man. I can't keep mum when injustice presents itself,” saad pa niya.