Usap-usapan ngayon ang Facebook post ng composer at dating kaibigan ni Moira dela Torre hinggil sa umano’y totoong nangyari sa hiwalayan nito kay Jason Marvin Hernandez. 

“I was strongly advised not to leak any of these. To not even mention it to anyone. But I refuse to be quiet. I refuse to be neutral. To be neutral in times of injustice is to take the side of the oppressor. In this case, Moira is more of an oppressor than a victim,” pahayag ng composer na si Lolito Go nitong Linggo, Mayo 28.

Sa mahabang Facebook post ni Go, sinabi niya na taliwas sa mga kumakalat online, hindi raw totoo ang kantang Eme ni Moira na may linyahang “wala naman akong kasalanan.” 

MAKI-BALITA: Moira, kinaladkad ang dating asawa sa bagong kanta? Netizens, napa-react

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Looks and voice can definitely deceive. This soft-spoken lady with a voice of an angel, who always seems to have a sunny disposition, and has a penchant for quoting the Bible, has a dark side unknown to many. (A wolf in sheep's clothing, ika nga.) And I am not surprised sa kung anuman ang narinig ko from those people who saw the whole story (na friends and family din ni Moi),” ani Go.

Ayon sa kaniya, bagama’t nagkasala rin daw si Jason, wala umanong “third party” sa side nito.

“He never fell in love with anyone else. His only sin was he listened to the call of flesh and availed of illicit massage service because Moira couldn't fulfill his sexual needs,” saad ni Go.

“And even before Jason confessed to his sin, Moira already wanted out. Dahil nakahanap na rin sya ng pamalit. Someone who will ‘dance in the rain’ with her and call her ‘binibini’. I'll leave it to you to guess sino ang tinutukoy ko,” dagdag niya.

Matagal na raw gustong isapubliko ni Go ang kaniyang mga nalalaman dahil hindi na niya ma-take ang mga pamba-bash na ibinabato ng publiko kay Jason. Gayunpaman, pinigilan daw siya ni Jason dahil gusto niyang protektahan si Moira.

Kamakailan ay naglabas ng bagong kanta si Jason na “Ikaw pa rin” na tila para umano kay Moira.

MAKI-BALITA: ‘Ikaw pa rin!’ Jason may pasilip na sa fez ni ‘mystery girl, music video para kay Moira?

MAKI-BALITA: ‘Lumuhod at umiyak!’ Jason sumagot sa kapatid ni Moira

“Napatatunayan na ni Jason that he is willing to do his part to restore the marriage. Napatunayan na ni Jason that he can withstand the torrent of insults and hate. He never once defended himself the past year from all the lies made up about him being gay, pumatol sa may asawa, may kabit, manggagamit etc.,” aniya.

Iginiit din ni Go na 95% daw ng mga hit ni Moira, tulad ng Paubaya, Ikaw at Ako, Pabilin, EDSA, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Saglit, ay komposisyon ni Jason. 

“Now tell me sino ang manggagamit. He was willing to go down history as the only bad guy, the only one who made a mistake. But Moira kept singing and releasing defamatory songs against Jason, filling up Araneta Colosseum and touring the world with one purpose for her shows: to get people’s sympathy. So I am breaking my silence so that the truth can finally come out,” ani Go.

Bukod sa isyu ng hiwalayan nina Moira at Jason, may mga inihayag pa si Go laban kay Moira na nakita o na-experience daw niya nang makatrabaho ito.

Una umanong nagkakilala sina Go, Moira at Jason sa grand finals ng Himig Handog 2017, kung saan naging grand winner ang kantang Titibo-tibo. Pagkatapos ay nagkaroon na raw sila ng ilang song collaborations ni Moira tulad ng inawit niya para sa kaniyang presidential bet na si Atty. Leni Robredo noong nakaraang eleksyon.

“Mind you, I was not paid a single penny for the songs I wrote. There was an instance pa nga na I was not even included in the credits sa Spotify. Kung hindi ko pa pinuna, hindi nya pa ire-rectify,” aniya.

Habang sinusulat ito’y wala pang pahayag si Moira o Jason hinggil sa post ni Go.