May kabuuang 17,000 karagdagang Family Food Packs (FFPs) ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba't ibang probinsya bilang paghahanda sa bagyong Betty.

Nitong Sabado, Mayo 27, ibinahagi ng DSWD na 10,500 FFs ang ipinadala ng DSWD-National Resource Operation Center sa Field Office (FO) V Regional Warehouse nito sa Bogtong, Legaspi, Albay.

"As of May 27, the DSWD FO V has stockpiled a total of 49,833 Family Food Packs and 52,841 Non-food Items/kits in all warehouses and prepositioning sites throughout the Bicol Region," anang DSWD.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Samantala, 1,500 FF ang nakalagay sa island municipality ng Sto. Niño, Samar noong Mayo 26.

Mayroon ding 500 FFs ang na-deliver sa DSWD FO 1 sa Vigan City, Ilocos Sur, bukod pa sa 3,078 food at non-food items na naka-standby na sa satellite warehouse nito.

Bukod dito, 1,500 FFs ang natanggap ng DSWD FO 1 Regional Warehouse City of San Fernando, La Union.

Ito ay mula sa National Resource and Logistics Management Bureau ng DSWD Central Office.

Ang parehong bilang ng mga FF ay inihatid din ng DSWD FO VIII sa Saint Bernard at Hinundayan, Southern Leyte.

Bukod pa riyan, 150 hygiene kits, 150 kitchen kits, 150 sleeping kits, at 150 family kits din ang ipinadala sa probinsya.

Luisa Cabato