CAGAYAN -- Pinangunahan ng mga miyembro ng Enforcement and Regional Monitoring, Control, and Surveillance Operations Center ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga isdaan ng mga pampublikong pamilihan sa mga baybaying munisipyo sa lalawigang ito.

Isinagawa ang surveillance sa Aparri, Camalaniugan, Sanchez Mira at Claveria upang subaybayan ang paggalaw ng species ng isda na ibinebenta para sa domestic consumption.

Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 na ang aktibidad ay naglalayong hadlangan ang pagbebenta ng mga isda na nahuhuli mula sa mga ilegal na paraan kagaya ng blast-fishing, at cyanide, bukod sa iba pa.

Nagsagawa rin ang grupo ng awareness briefing sa mga ipinagbabawal at nanganganib na species ng isda na binanggit sa listahan ng Convention on International Trade in Endangered Species (CITES).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang illegal, unreported, [and] unregulated, (IUU) fishing activities ay maaaring humantong sa pagkaubos ng stock ng isda, na maaaring magkaroon ng pangmatagalang negatibong epekto sa kapaligiran, sabi ng BFAR.

Gayundin, nakakaapekto ang mga ito sa ekonomiya, at seguridad sa pagkain ng mga komunidad na umaasa sa isda bilang pinagmumulan ng protina.