Madadagdagan pa ang halos ₱166 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 dahil hindi napanalunan sa isinagawang draw nitong Biyernes ng gabi.
Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, walang nakahula sa winning combination na 35-08-10-11-36-28.
Nasa ₱165,996,548.40 ang nakalaang premyo sa naturang draw.
Gayunman, nasa 27 pa rin ang nanalo ng second prize. Kukubra ng tig-₱120,000 ang mga ito, ayon sa PCSO.
Inaasahan naman ng PCSO na lolobo ang naturang premyo sa susunod na bola nito sa Linggo, Mayo 28.
Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.